Halaga by Parokya Ni Edgar Umiiyak ka na naman Langya talaga wala ka bang ibang alam Namumugto ang mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa Sa problema na iyong pinasan Hatid sa iyo ng BF mong 'di mo maintindihan May kuwento kang pandrama na naman Parang pang TV na walang katapusan Hanggang kailan ka bang ganyan Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtitiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga Na walang ginawa kundi paluhain ka Sa libu-libong pagkakataon Na tayo'y nagkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya Siguro ay hindi niya alam Ang iyong tunay na halaga Hindi na dapat pag-usapan pa Nagpapagod na rin ako sa aking kasasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig Sa mga payong hindi mo pinapansin Akala mo'y nakikinig Di rin naman tatanggapin Ayoko nang isipin pa Di ko alam ba't di mo makayanan na iwan siya Ang dami-dami naman diyang iba Huwag kang mangamba na baka wala ka nang ibang makita Na labis na nagmamahal sa iyo At hinding-hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagtri-tripan Medyo malabo yata and mundo